Saturday, August 15, 2020

PINOY KOMIKS on DIGITAL PLATFORM : WEBKOM : WEBTOON :

Buwan na naman ng pagdiriwang ng ating WIKA o tinatawag natin na BUWAN ng WIKA. Ito ang aking paraan para sa pagpupugay sa pag gamit ng ating wika o linggwahe sa isang makabagong paraan, at ito ay ang paggamit ng WIKANG FILIPINO sa pag gawa ng mga KOMIKS/COMICS. Maraming mga talentadong Filipino Comic Artist dito sa ating bansa na nangangailangan ng suporta na mapakilala pa ang kanilang kakayahan sa pag gawa ng ganitong mga LIKHA. Noon ay alam lang natin na nababasa at natatagpuan lamang ang komiks sa mga libro o sa dyaryo, pero dahil sa ating makabagong panahon at makabagong teknolohiya, ang komiks ngayun ay pwede na ding mabasa sa loob ng internet. Merong mga application na pwede nating madownload sa ating mga cellphone/smartphones para mabasa natin ang mga komiks na ito, at ito ay ang WEBTOON at ang WEBKOM. subaybayan niyo ang aking video para malaman ninyo kung anong mga komiks ang nakapaloob sa mga application na ito. suportahan natin ang FILIPINO ARTIST, FILIPINO COMICS ARTIST, FILIPINO COMICS COMMUNITY. Palaganapin pa natin ang PINOY KOMIKS. TARA! Basa tayo sa KOMIK KO!


#THE7NORTHERNWARLORDS
#UMBRAL
#RELICS
#CRIMSONPOINT
#THEPROPAGANDAPROJECTBETA
#NOVELETTE
#WEBTOON
#WEBKOM
#LIKHAMOPUBLISHING
#LIKHAMO

No comments:

Post a Comment